TRENDING | MMDA na walang suot na helmet, viral!

Viral sa social media ang isang cellphone video kung saan makikita ang dalawang MMDA constable na magkaangkas sa motorsiklo.

Binabagtas ng motorsiklo ang kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Makikitang walang suot na helmet ang angkas na lalaki.


Hindi ito pinalampas ng kumukuha ng video at sinita ang dalawa.

Tinangka pang abutin ng walang helmet na MMDA constable ang sumisita sa kanya pero humarurot ang motorsiklo palayo.

Kwento pa ng kumuha ng video, sinabihan siya ng nagmamanehong MMDA constable na huwag makialam kung ayaw nitong matiketan.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, napanood na nila ang video

Aniya, hindi tamang pinagbantaan pa ang sumitang motorista.

Pinahahanap na ng MMDA kung saang unit naka-assign ang dalawang MMDA constable.

Facebook Comments