TRENDING | Nagpapagasolinang motorized shopping cart sa Tennessee, viral!

Tennessee, USA – Viral ngayon sa social media ang video ng isang lalaking nagpapagasolina sa Sunoso station sa Jefferson City, Tennessee.

Sa halip kasi ng kotse, isang motorized shopping cart ang pinakakargahan ng lalaki!

Nakaupo pa ang driver nito sa loob ng shopping cart habang sa ilalim nakakabit ang gas engine.


Meron din itong steering wheel para makontrol ang andar ng kanyang kakaibang sasakyan.

Marami naman ang naaliw sa video at may ilang nagsabi na gagayahin niya ang motorized shopping cart dahil mas tipid daw ito sa krudo.

Facebook Comments