TRENDING | Palitan ng nakakakilig na mensahe ng 2 sikat na fast food chain, viral sa twitter

52

Massachusetts – “Road to forever” ang dalawang sikat na fast food chain dahil sa palitan nila ng nakakikilig na mensahe.

Kamakailan nga nang mag-viral sa social media ang larawan ng signage ng magkatabing Burger King at Wendy’s sa Boston, Massachusetts.

Sa signage ng Burger King, mababasa ang “@Wendy’s, prom?” na tila nag-aaya ng date.

Sinagot ito ng Wendy’s sa pamamagitan din ng signage: “ok, but don’t get handsy and we have to be home by 10.”

Agad na nag-viral sa twitter ang palitang ito ng mensahe na lalo pang umingay sa social media matapos na umeksena ang Moon Pie Snacks na nag-tweet ng “I knew I should’ve asked sooner.”

Facebook Comments