TRENDING | Patatas na hugis paa, viral sa social media

103

Brazil – Viral ngayon online ang larawan ng isang walong kilong patatas na hugis higanteng paa!

Sa unang tingin, aakalain talaga na paa ang nasa larawan pero patatas ito mula sa taniman ng mag-asawang Marli at Paulo Ciquinel sa Santa Cantarina, Brazil.

Kumpleto ang mga daliri ng mutant-looking potato habang parang balahibo ang maninipis na ugat nito.

Sabi ng mag-asawa, sa anim na taon nilang pagtatanim ng patatas, first time nilang makakita nito na hugis paa.

Balak daw nilang i-display na lang ito sa kanilang bahay para sa mga gustong makita ng kanilang mutant-looking potato.

Facebook Comments