TRENDING | "Waze audition video" ni Rufa Mae Quinto sa youtube – viral!

66

Manila, Philippines – Viral ngayon sa social media ang “my own audition” video ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto para sa traffic navigation app na Waze.

Sa nasabing audition video, ipinamalas ni Rufa Mae ang sarili niyang paraan ng pag-alalay o patuturo ng direksyon sa mga motorista papunta sa kanilang destinasyon.

Marami ang naaliw dahil sa paggamit niya ng mga salitang “go, go, go!”, “todo na ‘to!” at “to the highest level” na matagal nang trademark ng sexy comedienne.

Hinaluan pa niya ito ng mga hugot tungkol sa traffic situation.

Sa umpisa ng video, sinabi ni Rufa Mae na ginawa niya ito dahil marami ang nagre-request sa kanya na maging boses sa Waze at nagpakilala bilang Rufa “Waze” Quinto.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 30,000 ang views ng kauna-unahang video ni Rufa Mae sa kanyang youtube channel mula nang i-launch niya ito noong August 4.

Facebook Comments