Trial ni dating US President Donald Trump, ipinagpaliban hanggang Pebrero

53

Ipinagpaliban ng US House of Representatives hanggang sa susunod na buwan ang trial ni dating US President Donald Trump.

Ito ay para makapaghanda ang legal team ni Trump ng depensa tungkol sa kasong inisampa sa kanya.


Kasunod nito, dadalhin na ng House of Representative Democrats ang kanilang impeachment article of inciting insurrection sa Senado.

Sakaling mapatunayan ang pagkakasangkot ni Trump sa nangyaring gulo sa Capitol Hill noong Enero 6, 2021 ay hindi na ito papahintulutan pang tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Facebook Comments