Tricycle bumangga sa nakaparadang top down, driver naka ICU

15

Makato, Aklan — Under observation ngayon sa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital ang driver ng tricycle matapos bumangga ang sinaskayang tricycle sa nakaparadang top down kaninang hapon sa Poblacion, Makato, Aklan.
Ang biktima ay nakilalang si Francis Marco Teñoso, 35-anyos at residente ng Brgy. Tondog, Tangalan.
Base sa imbestigasyon ng Makato PNP na sakay ang biktima at ang anak nito sa tricycle pauwi na sana galing Kalibo pero pagdating sa lugar ay biglang napunta sa outer lane ang tricycle at bumangga sa nakaparadng top down .
Dahil sa malakas ng pagka bangga ay bumaliktad ang tricycle.
Nagtamo naman ng injury sa ulo at paa ang biktima at maswerte namang ligtas ang kanyang anak.
Ang insidente ay mabilis namang nirespondehan ng MDRRMO Makato at Makato PNP saka dinala ang biktima sa hospital.

Facebook Comments