
Cauayan City – Nahuli ng mga otoridad ang isang tricycle driver na kabilang sa listahan ng No. 7 Provincial Most Wanted Person sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang suspek bilang si alyas “Bogs,” tinatayang nasa wastong edad at residente ng nasabing lugar.
Ang pag-aresto ay batay sa warrant na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 19, Cauayan City, noong February 21, 2025.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Cauayan City Component Police Station ang suspek para sa dokumentasyon bago iharap sa korte.
Nahaharap ang suspek sa kasong Sexual Assault na may kaugnayan sa R.A. 7610 (Anti-Child Abuse Law) at R.A. 8353 (Anti-Rape Law) na walang inirekomendang piyansa.
Facebook Comments