TRICYCLE DRIVER, BUMANGGA SA NAKAPARADANG TRUCK SA ROSALES, PANGASINAN

Patay ang Isang 43 anyos na tricycle driver matapos bumangga sa nakaparadang truck sa kahabaan ng Provincial Road sa Brgy. Bakit-Bakit, Rosales, Pangasinan.
Ayon sa ulat ng pulisya, lulan ng motorsiklo ang biktima nang bumangga ito sa likurang bahagi ng truck.
Agad na isinugod sa Rosales Infirmary Unit ang tricycle driver ngunit idineklara siyang dead on arrival ng mga doktor.

Nakainom umano ang biktima nang mangyari ang insidente. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments