Tricycle driver, huli sa panunutok ng baril sa Maynila

21

Kalaboso ang isang tricycle driver matapos manutok ng baril sa kasagsagan ng selebrasyon ng Bagong Taon sa Tondo, Maynila.

Ayon sa biktima, kasama niya ang apo niya sa labas ng kanilang bahay at nagpapailaw ng luces nang tutukan sila ng baril ng suspek.

Natiyempuhan naman ang lalaki ng mga nagpapatrolyang pulis at nahuli ang suspek na bitbit ang isang kalibre 9mm na baril na may anim na bala.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung kanino nakapangalan ang baril at iniimbestigahan kung sangkot ang suspek sa iba pang kaso.

Facebook Comments