Tricycle driver, kulong matapos huli sa aktong gumagamit ng marijuana

12

Malay, Aklan – Kulong ang isang tricycle driver matapos na mahuli sa aktong gumagamit ng marijuana ng mga rumespondeng pulis kahapon sa Brgy. Dumlog, Malay, Aklan. Ang suspek ay nakilala kay Vevincio Tumaob Panagsagan, 47-anyos alyas “Longlong”, at residente ng Brgy. Cubay Norte sa nasabing bayan.
Sa report ng Malay PNP na tumawag sa kanilang istasyon si Punong Barangay Antonio Benignos ng nasabing barangay at nag report matapos na malamang gumagamit ang suspek ng marijuana sa kanilang compound.
Agad naman nag responde ang mga kapulisan at lumalabas sa kanilang imbestigasyon na itong si Panagsagan ay biglang pumasok sa compound nila Punong Barangay Benignos na lasing at sumayaw-sayaw pa sa kanilang harapan ng kanyang bisita.
Nalaman na lamang na merong dalang marijuana ang suspek matapos na sundan ng suspek si certain “Jason” ng ito’y lumabas at sabay sabing ‘’meron ako sindihan natin’’ at kanya itong sinindihan.
Agad namang nagsumbong si “Jason” kay Punong Barangay Benignos dahilan para ito ay tumawag ng pulis.
Na recover sa posisyon ng suspek ang hinihinalaang stick ng marijuana na ginamit nya sa paninigarilyo
Mahaharap naman sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Trespass to Dwelling si Panagsagan.

Facebook Comments