Isang tricycle driver ang umani ng papuri matapos niyang matapat na isauli ang isang napulot na cellphone sa Lingayen.
Kinilala ang katapatan ni Idol Richie Tyrone Hechanova, miyembro ng Baay TODA, na agad na isinuko ang nasabing cellphone upang maibalik sa tunay na may-ari.
Agad niyang ipinagbigay-alam ang insidente kaya’t hindi nagtagal ay natunton ang may-ari na si Idol John Edison Sindayen. Kaagad ding naibalik sa kanya ang naturang cellphone, na labis niyang ikinatuwa at ipinagpasalamat.
Pinuri naman ng mga kasamahan sa TODA ang ginawa ni Hechanova na nagsilbing magandang halimbawa ng integridad, katapatan, at malasakit sa kapwa sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








