TRICYCLE DRIVERS SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, HILING ANG PAGREPASO SA IPINATUTUPAD NA FARE MATRIX

Isinangguni sa naganap na pagpupulong sa pagitan ng mga tricycle drivers/operators at pamahalaang Panlungsod ng San Fernando City, La Union ang pagrepaso sa kasalukuyang fare matrix sa lungsod.

Ito ay sa kadahilanang kulang ang kanilang kita na pangtustos sa kanilang pang araw-araw dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng petrolyo. Dinaluhan ng 2,000 tricycle driver at operators ang naturang pagpupulong upang talakayin ang mga reklamo ng mga pasahero sa tanggapan.

Bukod sa usaping fare matrix hiling din ng mga driver ang mahigpit na pagmomonitor sa mga pumapasadang kolorum para sa seguridad ng kanilang kabuhayan at ng kanilang mga pasahero.

Sa huli, iminungkahi ng City Tourism Office ang tour guiding bilang kaakibat na pagkakakitaan ng mga driver sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments