Tricycle, inararo ng isang kotse sa Q.C – 2 sugatan

49

Manila, Philippines – Sugatan ang dalawang lalaki matapos araruhin ng isang SUV ang walong tricycle sa V Luna Extension, Brgy. Sikatuna Village, Quezon City.

Isinugod sa ospital sng tricycle driver na si Jesus Dayo at isa pang lalaki matapso magtamo ng sugat sa ibat ibang parte ng katawan.

Kwento ng ilang tricycle driver, nagbababa ng pasahero si Dayo sa paradahan ng tricycle sa V Luna Extension nang salpukin sya ng isang KIA Sporateg na may plakang KDP-569.


Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon si Jesus sa minamanehong tricycle at nararo pa ng suv ang 7 pang trixyxle na nakaparada.

Maswerte namang nakaligyas ang dalawang babaeng sakay ng suv na ayon sa mga tricycle driver ay mga nakainom.

Dinala na sa qcpd traffic sector 3 ang driver ng suv na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries at damage to properties.



Facebook Comments