Tripleng seguridad sa mga terminal at mga tourist destination, ipinatupad ng PNP sa Bicol region

Bicol, Philippines – Inilunsad ang tripleng seguridad sa hanay ng Philippine National Police sa Bicol region kaugnay sa pagsailalim sa martial law ng buong Mindanao.

Inalerto rin ng Department of Tourism ang lahat ng mga tourist spot at destinations maging ang mga hotel at mall na pwedeng tumbukin ng mga local terrorist dahil sa dami ng tao dito.

Gayundin ang PNP sa lahat ng mga terminal, paliparan at mga daungan.


Nagkaroon din ng pagpupulong ang PNP kasama ang iba pang ahensiya para masiguro ang seguridad para hindi makalusot o makatakas ang mga supporter o miyembro ng Maute group mula sa Mindanao.
DZXL558, Leo Barcellano

Facebook Comments