Truck Driver, Sugatan matapos Tamaan ng Bato sa Ulo habang Nagmamaneho

18

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang driver ng forward truck na may plakang NCK-6144 matapos batuhin ang kanyang minamanehong sasakyan pasado ala-una ng hapon (May 16,2021) sa mismong harap ng Manuel A. Roxas District Hospital sa Brgy. San Antonio, Roxas, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Roxas, kinilala ang biktima na si Oscar Cabaddu, 44-anyos, may asawa at residente ng Zone 1-B, Brgy. Maddarulug Sur, Enrile, Cagayan.


Ayon pa sa report, nakapangalan ang minamanehong sasakyan ni Cabbaddu sa kanyang amo na si Michael Decena.

Lumabas naman sa pagsisiyasat ng pulisya, binato ng bato ang truck ng isang hindi pa matukoy na suspek sakay ng motorsiklo.

Kasalukuyan na nagmamaneho ang biktima patungo sa Enrile, Cagayan ng mangyari ang pagbato sa harapang bahagi ng salamin ng sasakyan na aksidenteng tinamaan naman si Cabbadu.

Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima na kaagad namang naisugod sa pagamutan.



Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang biktima matapos ang insidente.


Facebook Comments