Truck nahulog sa bangin sa Upi, Maguindanao 1 patay 4 sugatan

Isa ang patay habang 4 ang naging sugatan matapos mahulog ang kanilang sinsakyang GI Truck sa bangin ng Brgy Ganassi sa Upi Maguindanao alas dose y media kanina.

Sa initial report na ipinarating ni UPI MPS COP CIns Merly Glemao, patungo ng Brgy Lamod South Upi ang Truck ng aksidenteng mawalan ng control at diretsong mahulog sa bangin.

Dead on the spot ang isa mga sakay na nakilalang si Romero Villareal, 52 anyos habang nasa ospital ngayon ang mga kasama nitong sina Roger Mergal, 48, Mary Bilual 67, James Villareal 12 anyos habang sugatan rin ang driver ng truck na nakilala si Erwin Algan 30 anyos.


Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Upi PNP.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments