Trump, nagbanta ng ‘obliteration’

Nagbanta si US President Donald Trump na ‘wawasakin’ ang ilang bahagi ng Iran.

Matatandaang pinabagsak ng Iran ang isang US drone kung saan tinawag ni Trump na isang retaliatory air strike.

Ayon kay Trump gagawin niya ito kapag nagkasa ng pag-atake ang Tehran sa tinatawang niyang “anything American.”


Lumagda siya ng Executive Order na nagpapataw ng economic sanctions laban kina Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei at iba pang opisyal.

Sagot naman ni Iranian President Hassan Rouhani na ang ipinataw na sanctions laban kay Khamenei ay walang practical impact dahil wala itong assets abroad.

Tinawag din ng Iran ang White House na “mentally retarded.”

Facebook Comments