Trump, nasa Vietnam na

49

Nasa Vietnam na si US President Donald Trump para sa ikalawang pagpupulong nila ni North Korea Leader Kim Jong-Un.

Dakong alas-nuebe kagabi nang lumapag ang sinakyan nitong Air Force One sa Hanoi Airport.

Pagkababa pa lamang ni Trump sa eroplano ay red carpet welcome mula sa sundalo ang sumalubong sa kanya.

Sinalubong din siya ng mga matataas na opisyal ng Vietnam.

Layunin ng second summit na magkaroon ng kasunduan ang dalawang bansa hinggil sa denuclearization ng Korean Peninsula.

Facebook Comments