Trump, pinagyabang pa sa Russia ang pagtanggal kay Comey

18

Amerika – Isiniwalat ng pahayang The New York Times na ipinagyabang ni US President Donald Trump sa dalawang mataas na opisyal ng Russia ang ginawa nitong pagtanggal kay FBI Director James Comey.

Ginawa ito ni Trump nang magpulong siya kasama sina Russian Foreign Minister Sergey Lavrov at Russian Ambassador to the US Sergey Kislyak sa White House.

Giit ni Trump – kaya niya tinanggal si Comey ay dahil sa hindi niya nagustuhan ang trabaho nito at siya ay nahaharap sa matinding pressure dahil sa isyu sa Russia.

Hindi pa kinukumpirma ng White House ang nasabing pahayag ni Trump.
DZXL558

Facebook Comments