TSISMIS LANG | Balitang kudeta sa liderato ni Sotto, hindi totoo

Manila, Philippines – Kumpiyansa si Senate President Vicente Tito Sotto III na walang magaganap na kudeta o pagpapatalsik sa liderato ng Senado.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Sotto na tsismis lang ang ulat na siya ay patatalsikin sa puwesto.

Naniniwala si Sotto na ang kanyang mga kasamahan ay may solidong suporta sa kanya at may statesmanship.


Giit pa ng Senador na ang kanyang liderato ay matatag lalo na at sinuportahan nito ang mga panukalang inihain ng kanyang mga kasamahan na nagresulta sa pagkakapasa ng 32 panukala na batas na ngayon.

Ipinagmalaki naman ng Senador na nananatiling matatag ang kanyang partido na Nationalists Peoples Coalition na sa mga nakalipas na taon ay tumatag sa ikalawang puwesto mula pa aniya sa liderato nina dating pangulong FVR, Erap Estrada, Gloria Arroyo, Noynoy Aquino at sa panahon ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments