Tsuper, Patay matapos Bumangga sa Closed van!

Cauayan City, Isabela- Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang isang traysikel drayber matapos sumalpok sa isang Hyundai H100 closed van bandang 10:30 kagabi sa pambansang lansangan na sakop ng Brgy. Minante Dos, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Nolland Conde, 35 anyos,may asawa at residente ng Brgy. Nungnungan Dos habang kinilala ang suspek na nakabanggaan nito na si Victorino Balacanao, 49 anyos, may asawa at residente ng Cabuyao, Laguna.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, binabagtas ng biktima ang naturang lansangan lulan ang traysikel patungong south direction habang ang closed van na may plakang NED 8285 ay patungong poblacion upang magdeliver sana ng mga dry good products nang bigla itong lumiko kaya’t natumbok ang paparating na traysikel.


Ayon naman sa suspek ay mismong ang biktima ang umagaw ng linya kaya’t bumangga ito sa harap ng kanyang minamanehong sasakyan.

Gayunman ay boluntaryong sumuko ang suspek sa pulisya matapos ang insidente.

Sa ngayon at inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Homicide and Damage to Property na isasampa laban kay Balacanao.

Facebook Comments