Tubig sa Angat Dam, posibleng bumaba sa “critical” level sa katapusan ng buwan

27

Pinangangambahang bumaba sa “critical” level ang tubig sa Angat Dam sa katapusan ng Abril.

Ito ang pahayag ng National Water Resources Board (NWRB) dahil makakaapekto ito sa supply ng tubig sa Metro Manila at iba pang lalawigan.


Ayon kay NWRB Executive Director, Dr. Sevillo David – nasa 187.7 meters above sea level ang tubig sa dam.

Aniya, halos walong metro na lamang ang layo bago ito na humantong sa critical level na 180 meters.

Dahil dito, pinapayuhan ng NWRB ang mga residente sa Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig.

Ang Angat Dam ay nagsu-supply ng 96% ng tubig sa Metro Manila.

Facebook Comments

From Advertisers