Kinwestyon ng isang opisyal sa San Quintin ang kaligtasan sa public consumption ng ginagamit na High Density Polyethylene Pipe o tubo na ginagamit sa potable water project na inilulunsad sa mga barangay ng bayan.
Ayon sa opisyal ng bayan, makikita sa label ng mga itim HDPE pipe na for Agri purposes at hindi ligtas sa kalusugan dahil maaaring recycled HDPE material ang ginagamit.
Opinyon ng ilan na hindi umano nararapat sa potable water ang kulay itim na tubo dahil base sa color code guide, tanging blue o striped blue na pipe ang inilaan para sa patubig.
Umapela naman ang ilang residente na ilabas ang water analysis ng potable water dahil maaaring kontaminado ang tubig na iniinom ng mga residente.
Samantala, nanindigan ang lokal na pamahalaan na ligtas inumin ang tubig mula sa programa dumaan sa proseso na itinakda ng National Water Resource Board.
Sa kabila ng isyu, patuloy pa rin ang hiling ng mga residente sa ibang barangay na mabigyan ng potable water upang mas madaling makakuha ng maiinom na tubig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨