TUCP, ikinagalak ang pag-aksyon ng Senado sa dumaraming Chinese workers sa critical industries sa bansa

43

Welcome development sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang kahandaan ng Senado na silipin ang napapaulat na dumaraming Chinese workers sa critical infrastructures at industries sa bansa.

Ayon kay TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, nakakapasok ang Chinese workers sa pamamagitan ng tied-aid projects katulad ng Kaliwa dam, ang third telecommunications provider, railways projects at sa loob ng National Grid Corporation of the Philippines.

Aniya, kung mapapanatili ang presensya ng mga Tsino sa power, water, communications, transport at construction industries, maituturing itong national security concerns.

Patunay rin aniya ito na walang malinaw na koordinasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Transportation (DOTr), Department of Communications and Technology (DICT) at ibang ahensya ng gobyerno kaugnay ng big ticket items na mayroong job generation potential.

Ngayon aniyang nasa 10% lang ang employment rate dahil sa pandemya, malaking kawalan sa mga Pilipino ang oportunidad na ibinibigay sa Chinese workers.

Facebook Comments