Tugon ng DepEd na bawasan ang mga gawain ng mga estudyante sa ilalim ng new normal learning, ikinagalak ng mga guro

11451

Ikinatuwa ng mga guro ang pahayag ng Department of Education (DepEd) na babawasan ang mga gawain ng mga mag-aaral na nasa ilalim ng Modular Distance Learning Modality.

Ito ang naging tugon ng DepEd sa mga reklamo mula sa mga mag-aaral, magulang at maging ng mga guro na natatambakan umano ng maraming gawain at nahihirapan sa alternative learning modality.


Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition National Chairperson Benjo Basas , marami pa umanong dapat repasuhin sa mga polisiya ng DepEd ukol dito.

Paliwanag ni Basas nasa gitna tayo ng krisis dulot ng pandemya, kayat dapat lamang na magkaroon ng konsiderasyon ang kagawaran lalo na sa mga bata at sa kanilang mga pamilya na maaaring limitado ang kapasidad at kakayahan.

Kinikilala naman ng grupo ni Basas ang mga naging hakbang ng DepEd sa mga naunang reklamo ng mga mag-aaral at mga magulang kabilang na ang pagbabago sa assessment at criteria sa grading system.

Facebook Comments