Tuguegarao City, balik-MECQ bukas!

36

Simula bukas, Oktubre 3, 2020, balik Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Tuguegarao City sa Cagayan.

Ito ay dahil sa biglaang pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 at pagkakaroon ng case clustering sa 19 na barangay sa lungsod.

Ayon kay Tuguegarao City Jefferson Soriano, 14 na araw tatagal ang MECQ sa lungsod o hanggang sa Oktubre 16, 2020.

Kaugnay nito, suspendido ang public transport at social gatherings, limitado ang paglabas sa bahay ng mga residente at mahigpit ding ipatutupad ang liquor ban at curfew.

Facebook Comments