TUKOY NA | Mag-asawang amo ng Pinay OFW na pinatay at isinilid sa freezer sa Kuwait, nakilala na

Manila, Philippines – Tukoy na ang mag-asawang amo ng Pinay OFW na si Joanna Demafelis na isang Lebanese at isang Syrian.

Naka-red notice na ang mag-asawa sa maraming bansa habang naisampa na rin ang criminal charges laban sa mga ito.

Sa interview ng RMN kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac umapela ito sa Kuwaiti Government na panagutan ang mga mapait na sinapit ng ilang OFWS sa kanilang bansa.


Inaasahang darating ngayong araw ang dagdag tauhan ng Rapid Response Team ng Department of Foreign Affairs Office of Migrant Workers Affairs (DFA-OMWA) sa Kuwait.

Susubukan pa ring hilingin sa Kuwait na palawigin ang kanilang Amnesty Program para makahabol ang ilang OFW na gusto nang umuwi ng Pilipinas.

Facebook Comments