Tulong, dapat ipaabot ng mga LGU sa Marawi City

Marawi City – Muling pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ARMM ang lahat ng mga LGU sa rehiyon na lalong palakasin ang kanilang monitoring kasabay ng nararanasang tension ngayon sa Marawi City.

Tiyaking mapangalagaan ang seguridad ng kanilang mga kababayan at huwag hayaang magtagumpay ang mga terorista sa kanilang planong guluhin ang kanilang lugar.

Ito naman ang sinabi ni DILG ARMM Regional Secretary Atty. Kirby Abdullah.


Hinihikayat din nito ang mga LGU na tumulong sa mga apektadong sibilyan ng Marawi City.

Mas higit aniyang kailangan ngayon ng tulong para sa mga kabataan, mga kababaihan at mga senior citizen.

Sa ngayon base sa report ng ARMM government abot na sa 47,957 pamilya , o 239,878 individwal ang lumikas sa Marawi City dahil nagpapatuloy na krisis.
DZXL558

Facebook Comments