TULONG DUNONG PROGRAM NG CHED, DINALA SA IKAANIM NA DISTRITO NG PANGASINAN

SAN NICOLAS, PANGASINAN – DINALA ng Commision on Higher Education ang Tulong Dunong program scholarships para sa mga kwalipikadong iskolar sa ikaanim na distrito sa lalawigan ng Pangasinan.

Tinatayang dalawang daan at apatnapung mga iskolar mula sa mga bayan ng Asingan at Balungao ang tumanggap ng tulong pinansyal programa ng CHED sa pamumuno ni Chairman Popoy De Vera na dinala sa mga pangunahing benepisyaryo sa San Roque ANP Pilot School, San Roque, San Nicolas.

Ang programang ito ay dinaluhan din ng ilang matataas na kawani ng CHED at sa pakikipagtulungan ng mga LGU at ilang opisyales dito.


Ang Tulong Dunong Scholarship o Grants-in-Aid Program ng CHED ay tulong pinansyal para sa mga lubos na nangangailangang mga mag-aaral na nasa kolehiyo para maituloy nila ang kanilang pangarap na makatapos ng kanilang pag-aaral.

Facebook Comments