Tulong mula sa iba’t ibang ahensya, umabot na sa P27 milyon —OCD

Sa huling ulat ng Office of Civil Defense (OCD), umabot na sa P27 milyong halaga ang naipaabot ng iba’t ibang ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), OCD, at iba pa.

Matatandaang niyanig ng magnitude 7.4 at 6.8 na lindol ang Davao Oriental, kung saan mahigit 125,000 pamilya o 500,000 indibidwal mula sa 303 na barangay, ang naapektuhan ng nasabing sakuna.

Ayon pa sa ulat ng OCD, nasa 13 na evacuation centers na ang nakalagay sa nasabing lugar kung saan nasa 2,000 pamilya ang namamalagi dito.

Kaugnay rito, nasa 52 na pamilya naman ang nanatili sa labas ng mga evacuation center.

Samantala, tuloy-tuloy lang ang isinasagawang operasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, para maghatid ng tulong at serbisyo sa mga naapektuhan ng lindol.

Facebook Comments