
Umapela si Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Department of Migrant Workers (DMW) na ibigay ang lahat ng kinakailangang tulong para sa mga Pilipinong ginawaran ng pardon ng gobyerno ng United Arab Emirates (UAE).
Ito’y matapos gawaran ng royal clemency ng UAE government ang nasa 115 Pilipinong nahaharap sa iba’t ibang mga kaso sa nasabing bansa.
Ayon kay Gatchalian, oras na magbalik-bansa ang mga kababayan ay dapat may nakahandang mga oportunidad o trabaho sa mga ito para sa kanilang reintegration sa lipunan.
Nakikiisa rin ang senador sa pamahalaan sa pagpapaabot ng pasasalamat sa UAE lalo’t ang pardon ay nagpapakita ng matatag na pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang bansa.
Inaasahan ng mambabatas na mas lalo pang palalakasin ng hakbang na ito ang relasyon ng Pilipinas at UAE.