Tulong pinansiyal para sa mga empleyado sa San Juan City, naibigay na!

37

Natanggap na ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang kanilang cash gift.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, naipasok na nila sa mga ATM accounts ng mga empleyado ng lungsod ang pera.

Makatatanggap ng P5,000 na cash gift sa mga regular at contractual na empleyado ng lungsod na nakapagtrabaho nang hindi bababa sa apat na buwan.


Habang ang mga nagtrabaho ng 3 to less than 4 months ay makatatanggap ng P2,000 habang P1,500 sa mga 2 to less than 3 months at P1,000 sa 1 to less than 2 months nagtrabaho.

Facebook Comments