TULONG | Pinay na naabswelto sa kasong murder, binigyang tulong ng pamahalaan

24

Manila, Philippines – Naipagkaloob na kay Jennifer Dalquez ang ₱100,000 tulong pinansyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Si Dalquez ay matatandaang hinatulang guilty at sinentensyahan ng parusang kamatayan ng Abu Dhabi court makaraan nyang mapatay ang kanyang employer na nagtangkang gumahasa sa kanya noong 2014 pero kalaunan ay napawalang sala.

Nabatid na halos 4 na taon ding nakulong si Dalquez.

Taos puso naman ang pasasalamat ng OFW sa ating pamahalaang na tumulong upang siya ay mapawalang sala at nagbigay ng tulong sa kanya at kanyang pamilya para makapagsimulang muli dito sa Pilipinas.

Maliban sa tulong pinansyal binigyan din ng scholarship ang 2 nitong anak.

Facebook Comments