TULOY NA ULIT |Overseas employment certificate, pinoproseso na muli ng POEA

23

Manila, Philippines – Nagpoproseso na muli ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA ng Overseas Employment Certificate (OEC).

Ayon kay POEA Administrator at Labor Undersecretary Bernard Olalia, matapos ang 15 araw na suspensyon muling itinuloy ang proseso sa mga OEC.

Aniya, nang suspendihin ang pagproseso ng OEC ay ginawang mano-mano ang pagsuri sa mga aplikasyon pero balik online na ito ngayon.

Gayunman, sinabi ni Olalia na tuloy pa rin ang imbestigasyon nila sa illegal recruitment sa ahensya.

Facebook Comments