TULOY PA RIN | FDCP Chairman Liza Diño, hindi magbibitiw sa pwesto

68

Manila, Philippines -Hindi magbibitiw sa kanyang puwesto si Film Development Council of the Philippines (FDCP ) Chairman Liza Diño.

Ito ang nilinaw ng indie film actress kasunod ng mga kumakalat na ulat na magre-resign na siya matapos na magbitiw na rin sa puwesto ang asawa niyang si Aiza Seguerra.

Sa launching ng Cine Marya na bagong proyekto ng FDCP, sinabi ni diño na masaya naman siya sa kanyang trabaho para sa mga film makers.

Kasabay nito, hinikayat niya ang mga film maker na gumawa ng mga pelikulang tungkol sa women empowerment na siyang tema ngayon ng Cine Marya.

Facebook Comments