TULOY PA RIN | Stop and Go Coalition, hindi ititigil ang pagsasagawa ng transport strike

52

Manila, Philippines – Hindi pa rin titigil ang Stop and Go Coalition sa pagsasagawa ng mga transport strike.

Ito ay sa kabila ng ginawang pag-aresto kay PISTON National President George San Mateo dahil sa paglulunsad ng tigil-pasada noong Pebrero na labag sa Commonwealth Act.

Sabi ni Stop and Go Coalition National President Jun Magno – hindi niya itinuturing na babala sa ibang transport group ang nangyari kay San Mateo.

Aniya, patuloy nilang ipaglalaban ang mga bagay na alam nilang makakabuti para sa mga jeepney driver at operators.

Facebook Comments