TUMAKAS | Mga tumakas na preso sa kulungan ng isang presinto, patuloy na pinaghahanap

33

Zamboanga City – Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang nasa labing apat na preso na nakatakas sa kulungan ng isang presinto sa Tetuan, Zamboanga City.

Sa ulat, labing pitong bilanggo ang nakapuga matapos na lagariin ang rehas na bakal ng kanilang kulungan.

Karamihan sa mga tumakas na bilanggo ay nahaharap sa kasong illegal drugs kung saan tatlo sa mga tumakas na inmates ang nadakip na ng pulisya.

Nakipag-ugnayan na ang Tetuan Police sa iba pang istasyon ng pulisya at maging sa task force Zamboanga ng militar para kaagad matugis ang ibang mga preso na ang mga litrato ay naipakalat na rin.

Facebook Comments