TUMALON | Pasyente ng Potenciano Hospital, nagpatiwakal

75

Mandaluyong City – Patay matapos umanong tumalon sa gusali ng Victor R. Potenciano Medical Center sa Mandaluyong City ang isa nitong pasyente

Sa inisyal na impormasyon mula sa Eastern Police District (EPD) alas cinco kaninang madaling araw ng tumalon ang hindi pa nakikilalang lalake mula sa nabanggit na ospital.

Ayon sa ilang security guards, nakarinig na lamang sila ng kalabog at nang silipin tumambad sa kanila ang pasyente na wala nang buhay

Bumagsak ang katawan nito sa canopy ng Potenciano Hospital sa side ng Barangay Highway Hills, Mandaluyong City.

Sa ngayon, tukoy na ang pagkakakilanlan nito pero hindi muna isinasapubliko ng ospital.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pagpapatiwakal ng biktima.

Facebook Comments