𝗧𝗨π—₯π—œπ—¦π— π—’ 𝗔𝗧 π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—”π—šπ—’ 𝗣𝗔 π—‘π—š π—˜π—žπ—’π—‘π—’π— π—œπ—¬π—”, 𝗣π—₯𝗔𝗬𝗒π—₯π—œπ——π—”π—— π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘ π—‘π—š π—Ÿπ—šπ—¨ π— π—”π—‘π—”π—’π—”π—š

Prayoridad ngayon ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang kanilang turismo at pagpapalago pa ng kanilang ekonomiya para sa mas maunlad pang bayan at makipagsabayan sa mga kalapit na lungsod.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Mayor Jeremy Rosario, sinabi nitong top priority naman talaga ng lgu ang pag-angat sa kanilang mga kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay pansin rin sa mga resources na meron ang kanilang bayan gaya ng minor basilica at ilan pang tourist spots.
Nito lamang ay pinulong ang mga market vendors para sa mas maayos na pagnenegosyo lalo na ang malapit sa minor basilica.

Tinitignan din ang seguridad sa naturang simbahan lalo at kahit walang special occasion ay dinadagsa nito ng libo libong mga turista para bumisita.
Sa ngayon, unti unti nang naghahanda ang lokal na pamahalaan sa nalalapit na holiday season. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments