TURISMO | Higit 7 milyong tourist arrivals sa bansa ngayong taon, target ng DOT

143

Manila, Philippines – Target ng Department of Tourism (DOT) na makamit ang 7.5 million na tourist arrivals ngayong taon.

Ito ay sa kabila ng pagsasara ng Boracay.

Ayon kay DOT Sec. Wanda Tulfo-Teo – hindi mangangahulugang babagsak ang turismo ng bansa dahil lamang sa temporary closure ng isla.

Aniya, maraming turista ang nagpa-rebook sa iba pang tourist destinations sa bansa tulad ng Bohol, Cebu at Palawan.

Nilinaw din ng kalihim na maaring nang magpa-book sa Boracay kapag tapos na ang anim na buwang rehabilitasyon nito.

Facebook Comments