Patuloy na umuunlad ang turismo sa Pangasinan matapos na makapagtala ng 8.7 milyong day tourists at 430,983 overnight visitors noong 2024.
Ayon kay Maria Luisa Amor-Elduayan ng Pangasinan Provincial Tourism and Cultural Office, tumaas ang bilang ng mga turista noong summer at panahon ng kapaskuhan.
Aniya, naabot na ang mga pre-COVID na bilang ng mga dumadayo. Dagdag pa niya na bago pa ang 2019, ang turismo sa probinsiya ay patuloy nang umuunlad at tumataas taon-taon.
Ang pinakamataas na bilang ng mga turista ay naitala noong Disyembre na may 1.3 milyong dumating, sinundan ng Mayo na may 900,000 na turista.
Kabilang sa mga lugar na dinarayo ay ang Manaoag, Bolinao, Lingayen, at Alaminos City, pati na ang mga coastal areas sa Western Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨