Inihayag ni Pangasinan Governor Ramon Guico III na mas palalakasin pa ang sektor ng turismo sa probinsiya upang mas mapalago ang oportunidad at ekonomiya.
Sa ginanap na groundbreaking ceremony ng Tourist Rest Area sa Capitol Beachfront Lingayen, sinabi ng gobernador na patuloy ang mga isinasagawa nilang proyekto para sa pagpapaganda pa ng Lingayen Capitol Complex kung saan dinadayo ng napakarami rin turista.
Isa rin sa kanilang nais tugunan ay ang nararanasang mabigat na daloy ng trapiko sa Manaoag dulot ng dagsa ng mga bumibisita sa sa sikat na Minor Basilica of Our Lady of Manaoag.
Malaki umano ang magiging ginhawa sa mga turistang dadayo sa bayan ng Manaoag kung mapagtutuunan ang traffic pati na rin ang pagkakaroon ng sapat na parking area.
Kada taon umaabot sa limang milyon hanggang 8 million ang bilang ng mga turistang bumisita sa Manaoag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨