TUTOL | Panukalang baguhin ang personal passenger accident insurance, tinutulan

31

Tutol ang grupong Lawyers Commuters and Safety Protection (LCSP) sa panukala na baguhin pa ang maayos na pangangasiwa ng personal passenger accident insurance ng dalawang accredited consortium ng LTFRB.

Ito ang naging pahayag ni LCSP President Atty. Ariel Inton at lahat ng transport leader sa pandinig na ginawa ng House committee on Metro Manila Development noong isang araw.

Paliwanag ni Atty. Inton hindi na kailangan na babaguhin pa ang maayos na sistema sa pagbibigay ng insurance protection sa mga mananakay.

Nagpasalamat ang grupo dahil mabuti na lamang anila ay ipinasuspindi ng committee ni Representative Winston Castelo ang implementasyon nito ng isang taon upang mabigyan pa ng mahabang panahon na mapag-aralan ito at hindi basta-basta isusubo sa transport sector dahil wala umano itong konsultasyon sa kanilang hanay.

Facebook Comments