TUTULONG | Dagdag na scout ranger battalion, dumating sa Sulu

71

Sulu – Dumating na sa Sulu ang isang karagdagang scout ranger battalion mula sa Marawi para tumulong sa pagligtas ng mga natitirang bihag ng Abu Sayyaf.

Sinabi ni Brigade General Cirilito Sobejana, Joint Task Force (JTF) Sulu Commander, sa pagdating ng bagong battalion, 11 battalion na ang available para isabak sa paglaban sa sa Abu Sayyaf.

Sinabi pa ni Sobejana na ngayong may karagdagan na silang puwersa, naghahanda na ang JTF Sulu para maglunsad ng isang “massive focused military operation” upang mailigtas ng buhay ang mga nalalabing bihag ng ASG at tuluyan nang mapahina ang puwersa ng Abu Sayyaf.

Ang dagdag puwersa ay dahil sa utos ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez sa JTF Sulu na ubusin na ang Abu Sayaf bago matapos ang Disyembre ng taong ito.

Dagdag pa ni Sobejana na muling magbabago ng mga stratehiya ang JTF Sulu para maabot ang deadline sa taong ito.

Facebook Comments