TUTUTOK SA EJK | Pagtatalaga ng special courts, suportado ni SolGen Calida

23

Manila, Philippines – Suportado ni Solicitor General Jose Calida ang pagtatalaga ng special courts na tututok sa mga kaso ng extra judicial killings o EJK.

Ginawa ni Calida ang pahayag matapos talakayin sa oral arguments sa Korte Suprema ang dalawang petisyon laban sa war on drugs.

Iginiit din ni Calida na kumpiyansa siyang mananatili ang suporta ng nakararaming Pilipino sa kampanya ng Duterte administrasyon kontra iligal na droga.

Patunay aniya rito ang lumabas sa SWS survey na nagsasabing 87 percent ng mga Pinoy ang suportado pa rin ang Pangulong Duterte.

Noong Martes, tinapos na ng Korte Suprema ang naturang oral arguments, at binigyan ang Office of the Solicitor General at ang petitioners ng animnapung araw para magsumite ng kanilang memorandum at pagkatapos nito ay submitted for decision na ang kaso.

Facebook Comments