TV Host/Comedienne na si Kitkat, tinanggal daw sa isang TV show dahil sa away nila ni Janno Gibbs?

How true ang chikang tinanggal daw ang TV Host/Comedienne na si Kitkat sa isang TV Show dahil sa hidwaan nila ng singer/actor na si Janno Gibbs.

Nabatid na nagkaroon ng murahan at sigawan sa pagitan ng komedyante at singer sa gitna ng kanilang taping sa kanilang show sa isang TV network.

Nag-ugat daw ito nang napikon si Janno dahil tila lagi raw pinapaboran ni Kitkat ang kanyang kalaban sa segment nila na si Marco Sison.


Nagsalita rin daw ng hindi maganda si Kitkat laban kay Janno at tinawag pa raw na “siraulo” ang aktor.

Hindi raw nagustuhan ni Janno ang kawalan ng respeto na ipinakita ng kanyang co-host kaya umuwi na ito at hindi na tinapos ang taping.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon si Kitkat kung totoong nawalan siya ng programa.

Facebook Comments