TV Host Gretchen Ho, umani ng batikos matapos magbiro sa abogadong nali-link kay Kris Aquino

809

Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ng ilang netizen ang mga message ng TV host na si Gretchen Ho sa abogadong si Gideon Peña na kasalukuyang nali-link kay Kris Aquino.

Nabatid kasi na kasama ni Kris si Gideon sa Japan habang nagbabakasyon kapiling ang dalawang anak na sina Bimby at Josh.

Sinasabing nag-message si Ho na pinapauwi niya si Gideon kung saan sumagot naman ang abogado na hindi pasiya pwe-pwede.

Dahil dito, kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni Gretchen kaya’t agad nagpaliwanag si Gideon at sinabing nagbibiro lamang siya bagay na sinang-ayunan din ng TV host.

Matatandaan na una nang sinabi nina Ho at Peña na magkaibigan lamang sila at hanggang doon lang daw ito lalo na’t nagiging close na ang abogado kay Kris.

Facebook Comments