Two termer councilor na si Atty. Christian de Guzman Sia, naghain ng kandidatura para tapatan si Dodot Jaworski sa vice mayoralty race sa Pasig City

Pormal nang naghain ng kaniyang kandidatura sa Pasig Commission on Election (COMELEC) ang dating two termer councilor na si Atty. Christian de Guzman Sia para sa pagka-bise alkalde sa 2022 national and local elections.

Kasama ni Sia na nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) ang kasalukuyang vice mayor na si Iyo Christian Bernardo na magiging running mate nito sa pagka-alkalde ng siyudad.

Kabilang na ang mga konsehal na lalaban sa Unang Distrito ng Pasig na sina Reggie Balderama, Migs Caruncho Trinidad, Jessie Gaviola, Bobot Guevarra at Jana de Leon habang sa Ikalawang Distrito naman ay sina Kaye dela Cruz, Syvel Asilo, Apple Benito Charmie Benavidez at Stave de Asis.


Taong 2010 nang mahalal si Sia bilang number 2 councilor ng Unang Distrito ng Pasig habang taon 2013 ay naging topnotcher o naging number 1 councilor sa ikalawang termino nito.

Facebook Comments