TYPHOON JEBI | Bilang ng mga nasawi sa hagupit ng bagyong Jebi, umakyat na sa 10

Japan – Umakyat pa sa 10 ang namatay sa pananalasa ng typhoon Jebi sa Japan.

Naitala ang mga nasawi sa Osaka prefecture at sa Mie, Aichi, at Shiga.

Aabot sa 3,000 pasahero ang na-stranded sa mga paliparan matapos kanselahin ang mga domestic at international flights.


Aabot naman sa 400 tao ang sugatan mula sa halos 20 prefectures.

Higit 8,000 residente ang nanatili sa nasa 1,667 evacuation shelters sa 24 prefectures.

Ang bagyong Jebi ay nakapagbagsak na ng higit 500 militro ng ulan.

Facebook Comments